Friday, January 06, 2006

and here i go again

at sa gabing ikaw ang tinatangis
maari bang mapagbigyan
ang isang hiling na
alam kong imposible.

umalis ka,
sa isang gabi. isang araw.
sapat na ang alaala,
ikaw na kapiling.

hindi ko ginusto.
sinong pipigil
sa isang dakilang manlilinlang,
tadhana.

sa tagal ng ating
pagsasama,
inisip ko kung ang
lahat ng ito ba ay totoo?

bumalik tayo
sa isang dati,
ngunit lahat ng ito
nawala.

www.lovelostintheshuffle.blogspot.com
november 07, 2005

0 Comments:

Post a Comment

<< Home