Monday, September 10, 2007

filipino series

ang mga tulang nilikha para sa filipino103 na subject. halimbawa ang unang dalawang tula, luna(4) at tanaga ng mga tanaga. samantalang ang huling tula na, hindi ko na pilit pang papangalanan ito para hindi mo malaman na para sa iyo ito naman ay malayang taludturan.

malugod kong inihahandog ang mga tula


luna (4)

sa iyong kabilugan
aking matatagpuan
t'yak na kaligayahan
kasama ang katipan.

tanaga

bakit ganito ang hirap?
'di ko malasap-lasap
produkto ng pagsulat
isang tanagang ganap.

hindi ko na pilit pang papangalanan ito para hindi mo malaman na para sa iyo ito.

nakita pa kitang
umiiyak
sabi ko, "tahan na at limutin
mo."

mga luhang iyong ipinagkait
hindi man lang tumulo sa
aking balikat.

hindi naman kita paluluhain
sa halip ay patatahanin
sa pag-alok ng panyo o
ng balikat na masasandalan.

hangad ko'y tunay
at sa iyo'y ibibigay.

halika na't ilakad patungo
sa bagong direksiyon.

at hindi kita ililihis
sa daang
itinadhana.

Labels: ,