Monday, June 26, 2006

paglalakbay

at patuloy siyang maglakad
sa direksyong palayo sa
kadilimang bumabalot ng
isang dati'y nagsisiyahang araw.

pilit na inilagay sa pagkalimot
ang distansyang kanyang nilakbay
upang tahakin ang daan
tungo sa isnag kaligayahan.

hindi na muling makikita
ang daan pabalik sa isang
naging kasaysayan ng
kaligayahan at kapighatian.

sinabing ang mundo'y bilog
at sa kahit na papaanong
hakbang ng paa, isang kasiguraduhan
na siya ay haharap uli sa araw

0 Comments:

Post a Comment

<< Home