Friday, January 06, 2006

nakatutuwa

nakatutuwa,
buti pa sila masaya.
ako, hindi. ilang araw na din.

ang lungkot,
ito ang aking naging kaibigan.
sa bawat araw na wala ako.
hindi ako, ikaw.

maari bang
pumutok na lang nang ganun
na lamang
ang isang baril
kung hindi ito ikakasa?

nakita ko.
hindi ko naramdaman.
bulag akong tumitingin
sa bawat ligaya ng iyong labi.
at dahil sa tahimik na ikaw
nabingi ako.

kailan pa
kaya sisikat ang buwan
sa isang umagang tinatawag
nilang bukas?
salamat sa isang tala
naliwanagan ako ng husto
upang mawala sa landas.

nakakatuwa
ako? "hindi" ang aking sagot.
kailanman wala.
isang wala ang pumupuno
sa aking damdamin na
puno ng meron.
hindi na mapipigilan,
isang hayop na ulol.

at sa huli alam ko.
marami pang nakakatuwa
hindi sa akin
kung hindi sa lipunan.
nakuntento na ako
sa meron na ibinibigay ko
upang maging wala
at malimutan na parang
isang taong grasa. isang ako.


www.lovelostintheshuffle.blogspo.com
october 10, 2005

0 Comments:

Post a Comment

<< Home