Saturday, October 07, 2006

kalabuan 1

bakit ba kailangan ko pang ikahon
ang kawalang-hiyaan na 'to?
minsang natanggap at patuloy na
dinadama.

ninanais ko na ihandog ito.

sa tuwing ito ang gumagambala,
ang pagninilay ay nasisira.


hindi ko ito ninais pero sadyang
ito ang naghandog ng sarili
para lamang sa akin. at kailanman
hindi ninuman matatanggap.

sapat na sigurong sabihing
ito ay insulto - sa akin at sa kanya.
siya ang insulto. siya ang sakit.
poot na dinala niya ay hindi katulad ng
dati.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home